1 Day Executive Course on Incident Command System (ICS)

1 Day Executive Course on Incident Command System (ICS)
Bilang pagbibigay importansiya sa paghahanda, plano at mga operasyon sa panahon ng sakuna at kalamidad, ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, sa pamumuno ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, ay nagsagawa ng 1 Day Executive Course on Incident Command System para sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, kahapon ika-21 ng Setyembre, 2022.
Ang maghapong aktibidad ay ginanap sa 2f Gov. Modesto Cultural Center katuwang ang mga opisyal mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, CDRRMO, BFP, Office of the Civil Defense, DRMM Calabarzon; sa pangunguna ni Regional Director, OCD IV A, Chairperson Maria Theresa R. Escolano, Civil Defense Officer IV Mr. Kevin John N. Reyes at Civil Defense Officer V Reyan Derick C. Marquez.
Naglalayon ang kurso na makabuo ng komprehensibong mga hakbang, paghahanda sa mga proseso at paglalatag ng mga nararapat na aksyon sa tuwing may dumarating na sakuna at kalamidad tulad ng bagyo, paglindol at pagputok ng Bulkang Taal.
Nabanggit naman ng ating Punong Lungsod na prayoridad niya ang mga programang nagsusulong ng kaligtasan. Aniya, bukas ang Pamahalaang Lungsod sa aktibong pakikipagtulungan at koordinasyon lalo’t higit sa oras na buhay ng mga Tanaueรฑo ang nakasalalay.
Previous Assistance for Individual in Crisis Situation

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved