π‘·π’‚π’ˆπ’”π’Šπ’π’Šπ’‘ 𝒔𝒂 π’Œπ’‚π’”π’‚π’šπ’”π’‚π’šπ’‚π’ π’π’ˆ π‘³π’–π’π’ˆπ’”π’π’… π’π’ˆ 𝑻𝒂𝒏𝒂𝒖𝒂𝒏

π‘·π’‚π’ˆπ’”π’Šπ’π’Šπ’‘ 𝒔𝒂 π’Œπ’‚π’”π’‚π’šπ’”π’‚π’šπ’‚π’ π’π’ˆ π‘³π’–π’π’ˆπ’”π’π’… π’π’ˆ 𝑻𝒂𝒏𝒂𝒖𝒂𝒏
Isang masaya at puno ng leksiyon patungkol sa kasaysayan ng Tanauan ang isinagawang Lakbay-Aral ng Christian School of Janopol nitong ika-17 ng Pebrero.
Ito’y binigyang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kung saan nagtungo muna sa City Hall ang mga estudyante ng Grade 4, 5 at 6 upang makinig ng maikling pagtuturo sa mga makasaysayang lugar sa Tanauan kabilang na ang mga mahahalagang personalidad na ipinagmamalaki ng Lungsod.
Bago tumungo sa mga heritages ang mga estudyante, nakipagkumustahan din si Mayor Sonny upang ihayag ang kanyang patuloy na suporta sa pagtaguyod ng kalidad na edukasyon sa bawat estudyante ng Tanauan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Christian School of Janopol sa pangunguna nina Principal Marivic Q. Valdez, Araling Panlipunan Teacher Edriane Rivera Gregorio at Teacher Emily Jovita Benedicto dahil sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga aktibidad ng paaralan upang magkaroon pa ng mas malawak na kaalaman ang mga mag-aaral.
Previous Custom essay writing service is known as a exceptional answer for college pupils who could also be battling to write their papers

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved