Sustainable Livelihood Program para sa mga PDL, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang DSWD at BJMP!

Sa kauna-unahang pagkakataon tagumpay na naihatid ngayong araw ang Sustainable Livelihood Program para sa ating mga Persons Deprive of Liberty at kanilang mga pamilya mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan Local Social Welfare and Development, Department of Social Welfare and Development Region IVA, BJMP Tanauan City at BJMP CALABARZON.

Bahagi ng naturang programa ang pagbibigay ng panimulang puhunan para sa mga hand made products na ginagawa ng ating mga PDLs na kasalukuyang namamalagi sa BJMP Tanauan City Male Dormitory.

Bukod rito, pormal ding inihandog ni Mayor Sonny ang sertipiko para sa kanilang asosasyon na tatawaging “Changing Lives Building Dreams Association” katuwang sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes, DSWD Project Development Officer II Mr. Charlie Gamboa, BJMPRO-CALABARZON Regional Director JCSUPT HILBERT M FLOR, MPSA, Jail Warden Female Dormitory JINSP ALLAIN M ABASTILLAS, Jail Warden Male Dormitory JSINSP RIENZO S ROULLO, Tanauan CSWD sa pangunguna ni Ms. Vicky Javier at mga kawani mula SLP Batangas.

Kaugnay ito sa layunin ni Mayor Sonny na mabigyan ng kaukulang pagkakakitaan ang ating mga PDL upang sila ay makapagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

Previous Sustainable Livelihood Program para sa ating mga kababaihan, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at DSWD Region 4A!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved