Nakipag-ugnayan ngayong araw ang mga kinatawan mula United Architects of the Philippines-Batangas Lakeshore kay Mayor Sonny Perez Collantes, Atty. King Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang palawigin ang Republic Act No. 9266 o ang Architecture Act of 2004 sa Lungsod ng Tanauan.
Kabilang sa tinalakay sa pagpupulong ay ang implementasyon ng architectural permit ng mga ipinatatayong gusali o imprastruktura sa Lungsod na ipinaliwanag ni Chapter President Batangas Lakeshore Architect Joanne Cristabel S. Bernardino.
Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa naturang samahan sa pamamagitan ni Office of the Building Permit head Mr. Benjie Castillo upang masigurong nasusunod ang naturang batas sa ating lungsod.