DepEd Tanauan City-TIBAY TANAW Program, inilunsad sa Lungsod!

Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at DepEd Tayo – DepEd Tanauan City, pormal nang inilunsad ngayong araw ang ๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐“๐€๐๐€๐– ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ na layong gawing inklusibo ang edukasyon para sa bawat kabataang Tanaueรฑo.

Alinsunod ang naturang programa sa kasalukuyang implementason ng ๐Œ๐€๐“๐€๐“๐€๐† ๐€๐ ๐ž๐ง๐๐š ng DepEd Philippines na isa sa isinusulong ni Vice President Inday Sara Duterte upang hubugin ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang learning competencies.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon sa pagpapatibay ng pundasyon ng bawat kabataang Tanaueรฑo sa pagbuo ng kanilang magandang kinabukasan.

Habang ayon naman kay Congw. Maitet Collantes, nagsilbing bagong oportunidad sa sektor ng edukasyon ang naturang programa na layong pagyabungin ang kaalaman at kakayahang kinakailangan ng bawat bata sa pamamagitan ng taos pusong dedikasyon ng mga teaching at non-teaching personnel.

Sa kabilang banda, inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay mas mapapalawig pa ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon katuwang ang DepEd Tanauan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Lourdes Bermudez, ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, DepEd Philippines, at mga kinatawan ng ibaโ€™t ibang sektor ng ating Lungsod.

Previous Xinyx Unlocked 2023!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved