Data Sharing Agreement at Turn Over ng Listahan 3 Data

Kaugnay sa proteksyong panlipunang isinusulong ng Lungsod para sa maliliit nating kababayan, pirmado na ngayong araw ang Data Sharing Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan CSWD at Department of Social Welfare and Development Region IV-A.

Nakapaloob sa naturang kasunduang ito ang pag-turn over ng Listahanan 3 Data o ang magsisilbing National Household Targeting System (NHTS) ng Lungsod na batayan ng ating lokal na pamahalaan at iba pang ahensya sa paghahatid ng programa para sa maliliit nating kababayan.

Ayon sa DSWD Region IV-A sa pangunguna ni NHTS Regional Field Coordinator Ms. Jhohanna Acebes, umabot sa 149,791 ang naitalang total poor households sa Lalawigan ng Batangas kung saan 5,760 dito ay mula sa Lungsod ng Tanauan.

Kaugnay rito, naging bahagi rin ng aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, CLGOO-Tanauan City Ms. Charlotte Flor Quiza, mga department managers at iba pang kawani ng pamahalaang lungsod na kabahagi sa implementasyon ng iba’t ibang batas patungkol sa pagpapataas ng kalidad ng pamumuhay ng ating mga kababayang Tanaueño.

Previous Tanauan City Senior Citizens President Federation

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved