๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐๐ฅ ๐ข๐ง ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐!
Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Local Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS).
Katuwang si City Treasurer’s Office head Fernando Manzanero at City Social Welfare and Development Office head Vicky Javier, nasa 32 mga kababayan natin ang nakatanggap ngayong araw kabilang ang mga dumulog noong nakaraang linggo para sa Medical assistance at burial assistance sa ating Pamahalaang Lungsod.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.