Personal na ipinamahagi ngayong umaga ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang ating City Administrator Wilfredo Ablao ang cash allowance sa labing anim na Lakeshore workers ng ating Lungsod.
Ang nasabing cash advance ay tulong ng City Government of Tanauan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod katuwang ang Tourism Division Office para sa mga kababayan nating nangangalaga sa paligid ng Lawa ng Taal, kabilang dito ang mga Lakeshore Workers mula sa Brgy. Ambulong, Brgy. Bañadero, Brgy. Gonzales, Brgy. Wawa, Brgy. Boot at Brgy. Maria Paz.
Kasabay nito, naipamahagi rin sa halos Walumpu nating mga kababayan ang tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) mula sa DSWD at sa pakikipagtulungan ng ating City Social Welfare and Development kasama ang City Treasurer’s Office.
Ilan naman sa mga beneficiaries nito, ay ang mga dumulog sa Tanggapan ng Mamamayan noong nakaraang linggo para sa burial assistance, medical assistance at iba pang mga pangangailangang pinansyal mula sa ating Pamahalaang Lungsod.