Pagpapaunlad at pagpapakilala ng Turismo sa Lungsod ng Tanauan, pagtutulungan ng ating Punong Lungsod kasama ang Lyceum of the Philippines University –Laguna!
Isang makahulugang talakayan kaninang umaga ang naganap kasama ang mga opisyales ng Lyceum of the Philippines-Laguna para bigyang pansin ang pangangalaga at pagpapakilala sa turismo ng ating Lungsod.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Mr. Abram Emmanuel Peralta, Mr. Rafael Laurel, Mr. Roy Ortiz at Mr. Ben Carandang kanilang tinalakay ang mga paghahanda para isulong ang mga progresibong paghahanda na magpapakilala sa mayamang kultura, pasyalan at mga ipinagmalalaking sangkap sa Lungsod ng Tanauan.
Ayon naman sa Community Affairs Office sa pamumuno nina Mr. Ed Jallores at Ms. Marilyn Calimag, nakahanda na ang Pamahalaang Lungsod para sa paglikha ng mga makabagong programa katulad ng mas masayang pagdiriwang na magpapanumbalik sa sigla ng mayaman nating Lungsod.