Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng tulong pinansyal para sa higit 200 mga Tanaueño
Higit 200 mga Tanaueño ang kasalukuyang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa patuloy na pakikipagtulungan ng Tanggapan ng mga Mamamayan at Tanauan Local Social Welfare and Development sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Department of Social Welfare and Development Region IV-A.
Bukod dito, kasabay din na ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ni Third District Chief of Staff Atty. King Collantes ang tulong pinansyal para sa higit 170 kababayan nating naapektuhan nitong nagdaang Bagyong Paeng.
Sa kasalukuyan, ilan lamang ito sa mga inisyatibo programa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang matugunan at masigurong naipapaabot ang bawat pangangailangan ng mga mamamayang Tanaueño.