Tuwirang Agapay ng CGT tungo sa Malakas na Sektor ng MSME!
50 micro entrepreneurs mula sa iba’t ibang Barangay ang dumalo sa orientation patungkol sa ibababang tulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa ating MSMEs.
Kasama si Atty. Cristine Collantes, ipinaabot ni Mayor Sonny Collantes sa mga negosyante na bigyang importansya ang wastong pamamahala sa pananalapi ng negosyo, delayed gratification of wants at pagpapahalaga sa mga karanasan sa kanilang pamumuhunan.
Ang naturang proyekto ay may temang “Tuwirang Agapay ng Pamahalaang Lungsod Tungo sa Malakas na Sektor ng MSME” na ilulunsad ng ating butihing Punong Lungsod katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office.