Training Support Fund (TSF)

Training Support Fund (TSF) para sa ating mga TESDA Scholars sa ilalim ng Contact Tracing Level II, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at TESDA RegionIV-A
Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) at TESDA Region IV-A ay tagumpay na naipamahagi ang Training Support Fund (TSF) para sa ating 24 TESDA Scholars na bahagi ng Contact Tracing Level II Training.
Bilang suporta, nagpaabot din ng mensahe ang ating Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ni Atty. Cristine Collantes kung saan binigyang-pagkilala niya ang sipag ng ating mga scholars at mga trainers ng nasabing programa. Habang nagpasalamat din si Atty. Cristine sa patuloy na pag-agapay ng TESDA Region IV-A sa pamumunio ni Mr. Gerardo Mercado para sa paghahatid ng karagdagang kaalaman at kasanayan para sa ating mga Tanaueno.
Ang programang ito ay bahagi ng Traning for Work Scholarship Program (TWSP) na mariing isinusulong ni Mayor Sonny katuwang ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa Tanauan at lalo’t higit sa buong Ikatlong Distrito.
Previous Sa adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved