TINGNAN | Pagsasagawa ng isang Tree Planting Activity sa Sabang Eco Park

Nagsagawa kaninang umaga ng isang Tree Planting Activity sa Sabang Eco Park ang mga kinatawan mula sa Digital In-building System Inc. (DIBS) katuwang si TCWCC President Atty. Cristine Collantes at ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Layon ng aktibidad na ito na isulong ang pagbibigay-importansya ng lungsod sa pagprotekta at pangangalaga sa ating kapaligiran katuwang ang iba’t ibang samahan at organisasyon.

Naging kabahagi rin sa naturang aktibidad ang Community Affairs Office-Tourism Division na kaisa ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng lokal na pamahalaan upang gawing Environment-friendly ang Lungsod ng Tanauan.

Previous Local AICS at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version