Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan, patuloy na dinidinig ang pangangailangan ng bawat sektor.

Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan, patuloy na dinidinig ang pangangailangan ng bawat sektor.
Sa patuloy na pagtanggap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang sektor sa Tanauan, mas nabibigyang pansin ang pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. Kaya naman ngayong araw ay nagtungo ang mga miyembro at opisyal mula sa Natatas Choir organization.
Tinalakay rito ang suporta ng Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga isasagawang aktibidad sa Tanauan. Naging daan naman ito upang kumustahin at alamin ang mga ng kanilang samahan.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Mayor Sonny ang kaniyang mga adhikain para paunlarin ang Kultura at Sining sa Lungsod, kung saan kaniyang bibigyang pansin at pagyayamanin ang talento ng bawat Tanaueno na magiging bahagi sa pagkamit ng iba’t ibang karangalan para sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Aplikasyon at Interview process para sa Educational Assistance Program.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved