Tanauan City LGU, pinuri ng DILG sa ilang performance areas ng SGLG 1st Assessment!
Alinsunod sa implementasyon ng Batas Republika Blg. 11292 o “SGLG Act”, masusing sumailalim sa Seal of Local Good Governance (SGLG) 1st Assessment ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng DILG Regional Assessment Team (RAT) sa pangunguna ni CH Nerissa Contreras, katuwang ang Tanauan City-LGOO Ms. Charlotte Flor Quiza.
Batay sa isinagawang Table Validation at On-site Visit ng DILG RAT, nakitaan ng magandang performance ang ating lokal na pamahalaan sa 10 performance areas na sumusukat sa integridad, transparency at accountability ng isang LGU.
Mula sa naging resulta, partikular na pinuri ng DILG ang Zero COA Findings, mataas na Revenue Growth Rate mula Hulyo at maayos na paggamit ng Local Government Support Fund sa ilalim ng Financial Administration and Sustainability area.
Kinilala rin ang magandang performance ng ating BPLO pagdating sa Business-Friendliness and Competitiveness kung saan naitala ang mataas na new business registration and renewal, mabilis na proseso ng business permits at pagtaas ng Capital Investment Fun ng Lungsod na P1.12 billion.
Pagdating naman sa Safety, Peace and Order Area, naitala ang mababang crime rate, paghahatid ng trainings para sa mga Barangay Police at maayos na pagpapatupad ng mga Safety, Peace and Order Ordinances sa Lungsod katuwang ang PNP Tanauan City sa pangunguna ni PLTCOL John Rellian.
Beyond Compliant naman ang naging resulta para sa Disaster Preparedness Area kung saan ibinahagi nito ang iba’t ibang programa ng pamahalaang lungsod patungkol sa disaster planning, rescue and evacuation execution tuwing may bagyo at/o pagputok ng bulkan.
Samantala, pasado rin sa means of verification pagdating sa Social Protection and Sensitiveness ang ating CSWD at GAD dahil sa pagiging compliant nito sa Child-Friendly Local Governance. Pagdating naman sa mga pasilidad, inanunsyo ni Mayor Sonny na kasalukuyang pinagpaplanuhan na ang pagsasaayos ng New Tanauan City Hall building at iba pang pasilidad para sa mas mabilis at maayos na serbisyong publiko.
Pasado rin sa Health Compliance and Responsiveness Area ang ating City Health Office pagdating sa Household Safety Sanitation, Potable/Safe Water, Low Stunting Rate at Epidemiology functionality.
Sa kabilang banda, napatunayan din ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na inklusibo ang edukasyon sa Lungsod dahil naitala nito ang ZERO Out of School Youth Rate, 38 inclusive programs and projects, functional Local School Board simula Hulyo at bukas na pakikipag-ugnayan sa mga Non-Government Organizations katuwang ang DepEd Tanauan City.
Habang compliant din ang Lungsod pagdating sa waste management at segregation na ipinatutupad sa 48 Barangay sa Lungsod kabilang na ang pagpapanatiling malinis ng ating mga Public Parks and Green Spaces sa Lungsod. Ongoing din ang isinasagawang Cultural Mapping upang matukoy ang mga cultural property ng Lungsod.
Mula sa mga resultang ito, nagpasalamat si Mayor Sonny Perez Collantes patuloy na pag-agapay ng DILG upang masiguradong epektibo ang paghahatid ng serbisyong publiko ng mga kawani ng lokal na pamahalaan para sa mga Tanaueño.