Pagbuo ng Technical Working Group para sa TCC Charter, Estado ng Enrollment at Admission at Akreditasyon ng mga kurso, tinalakay sa 2023 Tanauan City College Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni Tanauan City College Board of Trustees Chair Mayor Sonny Perez Collantes ay aprubado na ang pagbuo ng Technical Working Group na tututok sa komprehensibong pag-update ng TCC Charter, Merit and Ranking System, at Student and Faculty Handbook upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon.
Ibinahagi naman ni TCC OIC-Administrator Mr. Patrick Mendoza ang kasalukuyang estado ng 2nd Semester Enrollment at Admission sa naturang pamantasan, kung saan umabot na sa higit 150 ang mga mag-aaral ang nais maging bahagi ng TCC ngayong parating na Taong Panuruan 2023-2024. Bukod dito, nakatakdang ganapin din ang kauna-unahang Parents’ Orientation sa Tanauan City College ngayong Ikalawang Semestre.
Kabilang din sa partikular na tinalakay ay ang mga programang konektado sa pagpapalakas ng akademikong aspeto nito tulad ng mga sumusunod:
• TCC Faculty’s Research Proposal
• TCC School System
• TCC’s Membership on ALCUAA
• Application for ALCUCOA Accreditation
• Calendar of Activities for 2nd Semester. AY. 2022-2023
• Appointing CHED Region IV-A Director Dr. Virginia Akiate as new TCC BOT Member-CHED Representative
• TCC Student Accomplishment Report for the Month of February
Samantala, inaaasahan naman na sa ika-22 ng Marso ang susunod na TCC Board of Trustees Meeting sa Pamahalaang Lungsod.