SSS Lipa Branch makikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod.

SSS Lipa at Mayor Sonny, paiigtingin ang mga Programa para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Bilang bahagi ng nalalapit na selebrasyon ng Labor Day sa Lungsod ng Tanauan, nakipagpulong ngayong araw si Mayor Sonny Perez Collantes sa mga kinatawan ng SSS Lipa Branch para sa pagpapaigting ng mga programa para sa Job Order Employees ng Pamahalaang Lungsod.
Pamamaraan ito ng ating lokal na pamahalaan upang mabigyan ng karagdagang benepisyo ang ating mga lingkod-bayan na ating katuwang sa paghahatid ng mga serbisyo para sa mga mamamayan.
Samantala, binigyang-pagkilala rin nina SSS Vice President of Luzon South II Alejandre Diaz at SSS Lipa Branch sa pangunguna ni Mr. Joseph Pedley Britannico ang ating Punong Lungsod sa pakikiisa nito sa ginanap na SSS Run After Contributions Evaders (R.A.C.E) campaign ng ahensya.
Previous Opening Ceremony ng 3rd Paoay Lake Dragon Boat Festival

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version