Skills Training Program para sa ating mga Solo Parents, bahagi ng Solo Parents Officer regular meeting!
Kasama ang mga miyembro ng Solo Parent sa Tanauan pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Gad Tanauan ang kanilang Regular Meeting para talakayin ang mga programang mangangalaga sa kanilang samahan.
Bahagi ng usapin ang mga isasagawang aktibidad at mga programa para sa kanilang sektor, gayundin din ang isinasagawang Organizational Development ng Pamahalaang Lungsod upang mapalawak at mas mapabuti ang kanilang serbisyo sa ating mga kababayan. Inihayag din dito ang kasalukuyang Status ng Solo Parent’s ID at nalalapit na mga Skills Training Program ng ating Punong Lungsod bilang karagdagang suporta para sa kanilang kabuhayan at pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay.
Samantala, pinuri naman ni Mayor Sonny ang kanilang mga sakripisyo at pagiging matatag upang maitaguyod at maibigay ang magandang bukas sa kanilang mga anak. Bilang Ama ng Lungsod, kaniyang binigyang diin patuloy ang mga hakbang at paghahanda ng Lokal na Pamahalaan na kakalinga at mangangalaga para sa kanilang sektor.