Serbisyong Publiko Caravan-Medical Mission, tagumpay sa Brgy. Poblacion 2!
TAGUMPAY ang muling pag-arangkada ng ating Serbisyong Publiko Caravan-Medical Mission sa Brgy. Poblacion 2 na ginanap sa Collantes Mansion ngayong araw.
Bahagi ito ng malawakang inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes upang direktang maihatid ang medical services para sa bawat Tanaueño.
Katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Health Office at Sangguniang Barangay ng Poblacion 2, sabay-sabay na ipinaabot ang mga libreng serbisyo tulad ng Medical ang Pedia Consultation, and Dental check-up and services, bakuna kontra cervical cancer at pneumonia, Pap Smear, Tuli, Urinalysis, at 3-in-1 Laboratory.
Habang isinagawa rin ang citizen card registration para sa mga residente ng brgy. Poblacion 2 katuwang ang barangay affairs office, smart at pldt.
Samantala, abangan lamang ang anunsyo sa inyong mga barangay para sa susunod na schedule ng serbisyong publiko caravan.