Definitely, it’s a ME TIME para sa mga Tanaueñang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ngayong araw matapos isagawa ang Serbisyo para kay Juana handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang HRMDO Tanauan City, Gad Tanauan at Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pamumuno ni Atty. Cristine Collantes kaugnay sa pagdiriwang ng #NationalWomensMonth at 23rd Tanauan Cityhood Anniversary.
Ang nasabing programa ay regalo ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga masisipag na kawani na kabahagi ng pamahalaang lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo para sa mga kababayang Tanaueño.