Proseso ng Business Permit mas pinabilis gamit ang e-BPLs Machine kiosk ng Tanauan City.

Para sa mas mabilis na proseso ng Business Permit Application at Renewal, dumating na ngayong araw ang mga e-BPLS kiosk machine na gagamitin sa ilulunsad na Tanauan City e-BPLS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) at iba pang tanggapan.
Nakatakdang ilagay ang mga nasabing kiosk sa New Tanauan City Hall, Waltermart, Victory Mall at FPIP. Habang magiging bahagi rin ito ng kasalukuyang 2023 CGT Business One-Stop Shop na isinasagawa ngayong buwan sa Pres. Jose P. Laurel Gymnasium.
Ilan lamang ito sa mga makabagong hakbang tungo sa “Digitization” ng mga serbisyo ng ating lokal na pamahalaan upang mas mailapit sa ating mga kababayan ang iba’t ibang programa nito alinsunod sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 (Republic Act 11032).
Previous Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at DOLE, nagpaabot ng tulong pinansyal sa higit 200 na mga Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved