Programa para sa mangingisda, tinalakay ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Fisherfolk Consultative Meeting!

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist, isinagawa ngayong araw ang consultative meeting para sa mga Tanaueñong mangingisdang inaasahang maaapektuhan ng temporary closed season ngayong buwan ng Marso at Abril.

Kabilang sa talakayan ay ang pagbibigay-suhestiyon ng ating mga magtatawilis ukol sa mga posibleng proyektong layong magpaunlad sa sektor ng pangingisda sa Lungsod.

Samantala, inilahad din ng ating Punong Lungsod ang kanyang mga plano upang matulungan ang mga apektadong mangingisda. Dumalo din sa nasabing pagpupulong ang Direktor ng BFAR CALABARZON sa katauhan ni Regional Director Sammy Malvas at 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes.

Previous Pagsasagawa ngayong araw ng libreng medical services sa Maligaya Compound

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved