Programa para sa kabataan, bibigyang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Local Youth Development Council.

Programa para sa kabataan, bibigyang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Local Youth Development Council.
Dahil hangad ng ating Punong Lungsod na mabigyan ng magandang bukas ang mga kabataan sa Tanauan, kaniyang pinasinayaan ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong opisyal ng Local Youth Development Council sa pangunguna nina Local Youth Development Officer Patrick L. Mendoza at LYDC President Aljon M. Tolentino.
Naging daan din ito para ihayag ni Mayor Sonny ang kaniyang mga programa para sa kanilang sektor at magiging kabahagi ang LYDC para mailapit ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga kabataan.
Kaniya ring tiniyak na kikilalanin ang Tanauan bilang isang Lungsod na lilikha ng mahuhusay na lider balang araw. Pinaalalahanan niya naman ang mga opisyales na mahalin ang iniatang na tungkulin at palaging humiling ng gabay sa mahal na panginoon. Aniya, “Palaging isipin na dinala kayo ng Diyos sa pagkakataon na ito. Tulungan ang sarili ng may husay upang matulungan ang ating Bayan.
Kabilang naman sa mga dumalo bilang witness sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, City Administrator Wilfredo Ablao at City Local Government Operations Officer Ms. Charlotte Flor Quiza na nagpahayag ng suporta sa LYDC at nangakong tutulong sa pagpapalawig ng mga proyektong lilinang sa kakayanan at husay ng bawat kabataang Tanaueรฑo.
Previous Tanauan City’s 21st Flag Raising Ceremony | “Pagtutulungan at masigasig na paglilingkod para sa taong 2023!”

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved