Prime Infrastructure Capital Inc at MWPV South Luzon Water Corp!

Suporta para sa mga Atletang Tanaueño, pagtitibayin ni Mayor Sonny katuwang ang Prime Infrastructure Capital Inc at MWPV South Luzon Water Corp!
Pormal nang nilagdaan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Prime Infrastructure Capital Inc. at MWPV South Luzon Water Corp. ang kasunduan para sa maigting na suporta at tulong pinansyal para sa ating mga atleta partikular na sa ating mga Koponan sa Baseball lalahok sa bansang Japan.
Layon din nito na mas palakasin at maipakilala ang natatanging husay ng ating mga kababayan sa iba’t ibang larong pampalakasan, magiging daan din ito para sa mas malawak na ugnayan upang hikayatin ang ating mga kabataang Tanaueño na maging kabahagi at kaisa sa iba’t ibang larangan.
Habang naging bahagi rin nito sina Atty. Cristine Collantes, SDO Department Manager Mr. Max Andrew Mercado at Mr. Fernan Manzanero bilang Witness sa isinagawang aktibidad.
Previous Handwashing Liquid Soap mula sa mga opisyales ng Manila Water Foundation para sa mga 4ps Beneficiaries

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved