Pamahalaang Lungsod para sa kapakanan ng kaligtasan ng ating mga kababayan

Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Aster Co., Ltd. CEO Masaomi Suzuki, Co-founder & COO Shanthanu Menon at University of Tokyo Assistant Professor Kenjiro Yamamoto, tinalakay ang pagtutulungan ng kanilang kumpanya at Pamahalaang Lungsod para sa kapakanan ng kaligtasan ng ating mga kababayan.
Dito ay iprinisenta ni Mr. Shanthanu ang kanilang produkto na coating material at mga benepisyo nito sa ating lokal na komunidad. Ang naturang kumpanya ay isang social start-up business na gumagawa ng coating material na layong protektahan ang mga gusali kapag may lindol.
Kasabay nito ang pagpapaabot ng pasasalamat nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes, at kanilang hinikayat na dito sa Lungsod mamuhunan upang maging kabahagi sa paglago ng ating ekonomiya na magbibigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan.
Previous Knights of Columbus, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng Serbisyo Publiko para sa ating mga Kababayan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved