Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, tagumpay na namahagi ng Libreng Salamin para sa ating mga Tanaueñong Persons With Disability (PWD)
Tinatayang aabot sa 87 na mga Tanaueñong Persons With Disability (PWDs) ang nakatanggap ng libreng salamin sa mata mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Pdao Tanauan.
Bahagi ito ng ng programang “The Right to Sight” na layuning ilapit ang tulong medikal tulad ng libreng Eye Check-Up at konsultasyon para sa sektor ng PWDs. Bukod dito, nitong nakaraang Nobyembre 2022 ay tagumpay rin ang isinagawang libreng Ophthalmoscopy na test kung saan 10 mga indibidwal ang nabigyan naman ng libreng operasyon sa mata.
Lubos ding nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga kawani ng Integrated Philippine Association of Optometrists Tanauan Chapter sa pangunguna ni Dr. Mylyn Molinyawe upang maisakatuparan ang nasabing programa upang siguraduhing napapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.