Pagtatayo ng Solar Power Plants ng Razon Group, sisimulan na!
Panibagong “renewable energy project” ang naghihintay para sa mga Tanaueño matapos tagumpay na isagawa kahapon, ika-11 ng Abril ang Groundbreaking Ceremony ng Tanauan and Maragondon Solar Power Plants sa pangunguna ni TWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny Perez Collantes at Pamahalaang Bayan ng Maragondon katuwang ang Solar Tanauan Corporation.
Ang proyektong ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan tulad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa mga pribadong kompanyang Solar Tanauan Corporation at Prime Infrastructure Corporation upang matugunan ang numinipis na supply ng kuryente sa Batangas at Cavite.
Mula sa mga itatayong power plants, inaasahan na makapaghahatid ito ng renewable energy para sa Lungsod ng Tanauan at Bayan ng Maragondon. Bukod dito, layon din nitong makapagdala ng higit 1,000 trabaho para sa mga kababayan natin sa mga nasabing bayan.
Samantala, nakibahagi rin sa nasabing aktibidad sina Batangas Gov. Dodo Mandanas, Cavite Gov. Jonvic Remulla, Cavite Mayor Lawrence Arca, Solar Tanauan Corporation Chairman Ms. Katrina Razon, Chinese Enterprises Philippine Association Chairman Mr. Hu Xinquan, mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan at mga kinatawan mula sa Prime Infra at Power China,