Pagbigay ng suporta at pagbati sa pambato ng 27th Annual World Championships of Performing Arts

Nagpaabot ng suporta at pagbati si Mayor Sonny Perez Collantes sa ating pambato na si Ms. Eleyna Louize Hernandez ng Brgy. Tinurik para sa gaganaping 27th Annual World Championships of Performing Arts na gaganapin sa Long Beach, California USA.

Si Elyna ay isa sa opisyal na delegado ng Team Philippines para sa kategorya ng modelling ng WCOPA at lalahukan rin ng iba’t ibang bansa.

Sa ngalan ng buong Pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes hangad naming ang iyong tagumpay!

Previous “Bread of Hope” ng BJMP Tanauan City, pormal ng binuksan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved