Orientation Training para sa mga Miyembro ng ERPAT, inihatid ni Mayor Sonny!
Kaugnay sa isinusulong ni Mayor Sonny Perez Collantes na gender responsiveness sa Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang Orientation Training on Combating Gender Based Violence, Criminalities and Insurgencies through Men’s Involvement kasama ang mga miyembro ng ERPAT Federation of Tanauan sa pamumuno ni Mr. Tirso Uruga.
Sa mensahe ni Mayor Sonny Collantes, taos pusong nagpasalamat ito sa miyembro ng ERPAT sa pagtugon nito sa mas balanseng pagtanaw ng karapatan sa lahat ng sektor. Aniya, patuloy ang pamahalaang lungsod sa paglikha ng mga programang maghahatid-kaalaman sa mga ama/kalalakihan sa kanilang tungkulin sa pamilya at lipunan.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na nagpaabot ng suporta sa sektor ng mga kababaihan partikular na sa pakikiisa nito sa implementasyon nito ng VAWC sa bawat barangay.
Nakiisa rin sa Orientation Training na ito si Baguio City Mayor Benjie Magalong, kung saan ibinahagi nito ang ilan sa mga ‘best practices’ ng lungsod pagdating sa disaster resiliency and response at gender and development.
Samantala, naging katuwang din upang maisakatuparan ang aktibidad na ito ang Tanauan Local Social Welfare and Development/ Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier. Habang nagsilbing resource speaker naman si Assistant Regional Director for Operations and Division Chief – Department of Social Welfare and Development Mr. Ricky Bunao kung saan tinalakay ang mga sumusunod:
• Global Situation on Violence Against Women
• Men Opposed to Violence Everywhere – MOVE Orientation
• ERPAT Role in Advocacy to End Vaw
Ang ERPAT o ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities ay isang samahan sa Lungsod ng Tanauan na binubuo ng mga tatay na naglalayong palawakin ang kakayahan ng mga ito partikular na sa aktibong partisipasyon ng pagpapaunlad ng kani-kanilang pamilya at komunidad