Ngayong araw ay nagtungo ang mga miyembro ng FPJ Panday Bayanihan sa New Tanauan City Hall

Ngayong araw ay nagtungo ang mga miyembro ng FPJ Panday Bayanihan sa New Tanauan City Hall para sa isang courtesy call sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang talakayin ang planong magkaroon ng Basketball League sa Lungsod ng Tanauan.
Binigyang pansin dito ang kahalagahan ng isports sa bawat manlalarong Tanaueño.
Patuloy namang pinapahalagahan ng ating Punong Lungsod ang sektor ng Kabataan upang lumahok sa iba’t ibang larangan ng isport na magiging daan para sa kanilang tagumpay na makapagkamit ng karangalan sa Lungsod ng Tanauan.
Nakibahagi rin si Kap. ABC President Precious Agojo at Tanauan City Sports Development Head max Mercado.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 500 na mga Batangueño

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved