NCII Graduates received Free Electric Oven

Free Electric Oven para sa mga Graduates ng Bread and Pastry Making (NCII)!

Sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ating mga kababayan, 50 mga Tanaueño ang nakatanggap ng Libreng Electric Oven upang kanilang maggamit sa pagtatayo ng kanilang maliit na negosyo para sa paggawa ng cake, tinapay at iba pa.

Kaugnay nito, sila ay una nang sumailalim sa Bread and Pastry Production Training kung saan tagumpay na nakapagtapos at nakakuha ng National Certificate II mula sa programa ng Pamahalaang Lungsod katuwang si Congw. Maitet, TESDA, RUBIKS Training Center at Sangguniang Barangay ng Suplang at Tinurik.

Ito ay pagbibigay katuparan ng ating Punong Lungsod na mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagsisimula ng oportunidad para sa kanilang itatayong negosyo.
Patuloy rin ang paghikayat ni Mayor Sonny sa bawat isa na makilahok at makipag-ugnayan sa mga ganitong uri programa katulong ang ating Ccldo Tanauan sa pangunguna ni Ms. May Fidelino.

 

Previous San Jose’s Gender Responsive Consultative Dialogue

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version