Ms Tanauan 2023 Karen Joyce Olfato, itinanghal bilang Ms Batangas Universe 2023!

Ms Tanauan 2023 Karen Joyce Olfato, itinanghal bilang Ms Batangas Universe 2023!
Muling pinatunayan ng ating kababayan na sina Ms. Karen Joyce Olfato at Mr. Jobert Macayanan ang natatanging husay ng bawat Tanaueño sa katatapos lamang na Coronation Night ng Mr and Ms Batangas 2023 matapos hirangin bilang Ms Batangas Universe 2023 at Mr Batangas 1st runner Up 2023 ang ating mga kandidato.
Ang nasabing patimpalak ay ay ginanap sa Claro M Recto Event Center Lipa City at nilahukan ng iba’t ibang bayan sa ating Lalawigan kung saan ibinida ng bawat kalahok ang natatanging yaman ng kultura, husay, ganda at talento ng kanilang lugar.
Matatandaang sina Ms Karen at Mr Jobert ay bumisita noon sa Tanggapan ng Mamamayan ng Tanauan upang personal na makausap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para mabigyan ng suporta sa kanilang lalahukang patimpalak. Naging susi rin ito ng para sa pagpapakilala ng turismo ng ating Lungsod.
Ang buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes ay buong pusong ipinagmamalaki ang inyong nakamit na karangalan sa ating Lungsod! Ito ay patunay na ang bawat Tanaueño ay tunay mahuhusay sa iba’t ibang larangan na kilalanin sa ating lalawigan at sa ating bansang Pilipinas!
Mabuhay ang ating mga mamamayan! Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous D’ SQUAD Dance Group, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Hataw sa Galaw 2022!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved