Mga Pagawaing Bayan sa Lungsod at agarang pagresponde ng BFP Tanauan City, tinalakay sa 35th Regular Flag Ceremony
Sa ulat-bayan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong ika-35 na Regular na Pagtataas ng Watawat sa Lungsod ng Tanauan, kaniyang inanunsyo ang kasalukuyang paghahatid ng aksyon ng Pamahalaang Lungsod patungkol sa pagsasaayos ng mga drainage system sa bawat barangay katuwang ang Tanauan City Planning and Development Office (CPDO) at Tanauan City Engineering Office (CEO) upang maiwasan ang pagbaha sa mga kalye.
Bukod dito, nakatakda rin ngayong araw ang pagpupulong kasama ang pamunuan ng Startoll Ways na magiging katulong ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mas maayos at mabilis na pagawaing bayan sa Lungsod.
Samantala, ipinaabot din ng ating Alkalde ang pasasalamat para sa agarang pagresponde ng BFP Tanauan City sa naganap na sunog sa isang residential area sa Brgy. Poblacion 3 nitong nakaraang Linggo.