Mga kagamitan at pangangailangan ng ating mga magsasaka, binigyang tugon ni Mayor Sonny katuwang ang Department of Agriculture!
Bilang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes na mabigyang suporta ang ating mga kababayang magsasaka, naisakatuparan ngayong araw ang Signing of Memorandum of Cooperation and Distribution of Coconuts at Distribution of Seeds, Fertilizers and Seedlings para sa kanilang sektor.
Ang nasabing programa ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa ating City Agriculturist Office sa pamumuno nina Sir. Sherwin Rimas at Executive Asst. Angel Atienza at sa Philippine Coconut Authority sa pangunguna ni PCA Regional Manager Viviano Concibido. Habang, bahagi rin ito sina Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad, City Administrator Wilfredo Ablao at Committee on Agriculture Chair Mr. Herman De Sagun para bigyang suporta ang magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga programang pang-agrikultura.
Tinatayang nasa 500 na magsasaka sa ating Lungsod ang dumalo at n akatanggap ng mga kagamitan at mga pananim mula naman sa Department of Agriculture, katulad ng mga sumusunod:
3,000 tall coconut seedlings
8,000 calamansi seedlings
4,000 cacao seedlings
1,500 rambutan seedlings
1,500 mango seedlings
160 bags yellow corn
160 bags fertilizers
Kasabay nito ang pagpresenta sa bagong sasakyan ng Balele Multipurpose Cooperative bilang bahagi ng Enhanced Kadiwa Project ng Department of Agriculture. Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan dahil sa inisyatibo ng ating butihing Mayor at sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng Panlungsod na Agrikultor at City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO).