Mga Bago at mga Promoted na Guro ng Tanauan City Schools Division Office para sa buwan ng Nobyembre, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Local School Board Chairperson Mayor Sonny Perez Collantes, panibagong 30 na mga guro ang nai-promote ngayong buwan ng Nobyembre sa ilalim ng Promotion and Natural Vacancies at pormal nang nanumpa ngayong araw kasama ang iba pang kawani ng Tanauan City Schools Division Office.
Layon ng inisyatibong ito na patuloy na pataasin ang kalidad ng edukasyon para sa kabataang Tanaueno sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na bilang at karapatdapat na mga gurong maghahatid ng kaalamang kinakailangan ng ating mag-aaral, partikular na sa reading comprehension, numeracy, at critical thinking skills.
Ayon kay Mayor Sonny, sa pamamagitan ng programang ito ay masisigurado ng ating lungsod na nakasasabay ang sektor ng edukasyon sa hamon ng makabagong panahon at nabibigyang-solusyon ang nararanasang learning gap sa bansa.
Sa kabuuan higit 80 na ang nadagdag na guro at nai-promote sa Lungsod ng Tanauan at kasalukuyan nang naka-deploy sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Lungsod na katuwang ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng blended at progressive face-to-face classes.