Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at BAF JODA, pormal nang nilagdaan!
Upang mapalakas pa ang kapabilidad ng Pamahalaang Lungsod sa panahon ng sakuna at kalamidad, pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Batangueño Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (BAF JODA).
Ito ay resulta ng masidhing pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa nasabing organisasyon, na layong mas maging mabilis ang pag-responde partikular na sa transportasyon ng mga biktima, sakaling sumapit ang mga trahedya at kalamidad.
Ayon sa alkalde, “Bahagi rin ito ng ating sistematikong paghahanda upang masiguro natin na ligtas ang aking mga kapwa Tanaueño sa oras ng pangangailangan.”
Labis din ang kaniyang pasasalamat sa bumubuo ng BAF JODA sa pangunguna ni BAF JODA President Emiliano Olfato dahil sa taos puso nitong pag-agapay para sa mamamayang Tanaueño.