𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐀𝐈𝐂𝐒 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐭𝐨, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐃𝐒𝐖𝐃!
Higit 60 mga Batangueño mula sa iba’t ibang bayan sa ating Distrito ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang@Department of Social Welfare and Development – Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) katuwang ang ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Ang naturang pamamahagi ay tugon ng Pamahalaang Nasyunal at ating Lokal na Pamahalaan bilang pag-agapay sa pangangailangang medikal ng ating mga kababayan para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance.