Mayor Sonny Perez Collantes at Honda Philippines, Inc., naghandog ng mga Computer Sets para sa mag-aaral ng Brgy. Banjo East National High School!

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanyang Honda Philippines, Inc, naghandog sila ng Computer Sets para sa mga mag-aaral ng Banjo East National High School.

Sa mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes kaniyang pinasalamatan ang naturang kumpanya bilang bahagi ng ating Pamahalaang Lungsod para sa pagpapalago ng Lokal na Ekonomiya ng Tanauan. Pinuri niya rin ang kanilang pakikiisa upang bigyan ng suporta ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng ganitong uri ng proyekto.

Labis naman ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sa kanilang tinanggap na mga Computer Sets, dahil makatutulong ito para sa kanilang mga aktibidad at mapapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Previous Bagong Warehouse ng Premier Creative Packaging, itatayo sa Lungsod ng Tanauan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved