Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, nagpasalamat sa Rotary Club of Makati Circle of Friends at Philippine Cancer Society sa pagsasagawa ng Libreng Breast and Cervical Cancer Testing sa ating mga kababaihang Tanaueño
Lubos na nagpasalamat ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Congw. Maitet Collantes at Atty. Cristine Collantes sa pagpapaabot ng Rotary Club of Makati Circle of Friends sa pangunguna nina Charter President Ms. Nelia Cruz Sarcol at Project Chair Mr. Gerald Hidalgo at ng Philippine Cancer Society ng libreng Breast and Cervical Cancer One-Stop Mobile Clinic para sa ating mga kababaihang Tanaueño kahapon, ika-25 ng Oktubre na ginanap sa Gymnasium 2.
Naging posible rin ang programang ito sa pakikipagtulungan ng ating Primera Konsehal Sam Torres Aquino Bengzon sa ating Pamahalaang Lungsod, kabilang na kay Miss World Philippines Tourism 2022 Ms. Justine Felizarta, Victorina’s at Bravo Hotel upang masuri at mabigyang-kaalaman ang 112 nating mga kababayan na kinabibilangan ng ating mga Barangay Health Workers at mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod.
Ayon kay Dr. Romeo Marcaida, isa sa mga doktor mula Philippine Cancer Socity na nag-examine sa ating mga kababayan, 84 ang sumailalim sa breast cancer testing kung saan 22 ang nakitaan ng lumps, habang 28 na kababayan ang sumailalim naman sa On-the-Spot Result Cervical Cancer testing.
Mula sa resultang ito, nangako ang Rotary Club of Makati Circle of Friends at Philippine Cancer Society na tututukan nila ang medikasyon at treatment ng ating mga Tanaueño at aalamin din ang maaaring dahilan ng pinagmulan ng sakit.
Samantala, sinigurado mg ating Punong Lungsod at ni Congw. Maitet bukas ang kanilang mga Tanggapan sa patuloy na pakikipagtulungan upang mahikayat ang ating mga kababayan na magpa-test at suportahan ang mga ganitong adbokasiyang tutugon sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan, lalo’t higit sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
By: Ranch