‘Buhay Guro: Huntahan at Talakayan’ ng Deped Tanauan City

Buhay Guro: Huntahan at Talakayan, pinangunahan ng DepEd Tanauan City!

Bilang kinatawan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, nakiisa si Atty. Bambi Collantes sa isinasagawang consultative meeting na “Buhay Guro: Huntahan at Talakayan” kasama ang mga guro mula sa East at West District ng Lungsod.

Sa mensaheng ipinaabot ni Atty. Bambi, taos pusong nagpasalamat ito sa dedikasyon ng mga guro at ng pamunuan ng DepEd Tanauan sa pangunguna ni SDS Dr. Lourdes Bermudez sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa kabataang Tanaueño.

Kaugnay nito, layon ng aktibidad na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga guro na mapag-usapan ang iba’t ibang aspetong magpapaunlad sa kasalukuyang curriculum, learning environment at teaching strategies para sa aparating na Taong Panuruan 2024-2025.

Previous Corporate Social Responsibility in Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version