“Mas maayos, malinis at malakas na suplay ng tubig para sa ating mga kababayan”
Sa mas malinis at magandang daloy ng suplay ng tubig sa Lungsod, dumalo si Mayor Sonny Perez Collantes kahapon sa isinagawang Inauguration and Groundbreaking Ceremony of Poblacion Pipelaying Project ng South Luzon Water.
Bunsod ng kalumaan ng mga Pipeline at lumalaking populasyon sa Tanauan, magsisilbing daan ang naturang proyekto upang paigtingin ang Sanitation Services nang sa gayun ay mapagaganda at mas malinis ang naisusuplay na tubig sa kanilang mga consumer.
Dito, ipinagpasalamat ng South Luzon Water at Tanauan Water District ang suporta na ibinibigay ng ating Punong Lungsod sa kanilang mga proyekto na magbibigay ng ligtas na katubigan hindi lamang sa mga kabahayan gayundin sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Samantala, hinikayat ng ating Punong Lungsod ang mga opisyales ng mga kumpanya na ibigay ang maayos na serbisyo sa Lungsod kung saan ay dapat napakikinggan at nabibigyan ng agarang solusyon ang hinaing ng kanilang mga consumer. Kaniya ring binigyang diin ang tiwala na ipinagkaloob sa kanila ng bawat Tanaueño na malaki ang magiging kontribusyon sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan. Aniya “Umaasa ho kami na tutuparin ninyo ang pangako ninyo As our partners in progress, marami hong progresong darating sa Tanauan kailangan namin ng tubig, kailangan namin na matuwa ang inyong mga consumers.”