Lynville Land Development Corp.

Lynville Land Development Corp., handang makipagtulungan sa pagpapasigla ng lokal na ekonomiya ng Lungsod!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw kababayan nating investor na si Engr. Kristopher B. Taleon mula sa Lynville Land Development Corp. upang makipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Si Engr. Kristopher ay kasalukuyang Vice-president ng Engineering Office ng Lynville, inihayag nya sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na handang makipagtulungan ang naturang kumpanya para sa pag-unlad ng lungsod at pagbibigay trabaho sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, patuloy na gumagawa ng hakbang ang ating butihing Mayor kung papaano mas mapapaunlad pa ang Lungsod ng Tanauan. Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga kahilingan at pangangailangan.
Nabanggit niya rin ang kasalukuyang isinasagawang Business One Stop Shop sa Gymnasium 1 kung saan mabilis ng nakakapagproseso ng mga dokumento at nakapagbabayad ng buwis ang mga negosyante nating kababayan sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous Courtesy call ng Munisipalidad ng Castillejos Zambales.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version