LTO-REGIONAL OFFICE MAGSASAGAWA NG DALAWANG ARAW NA SEMINAR

Bilang bahagi ng isinusulong na ligtas at maayos na trapiko’t transportasyon sa lungsod ng ating Mayor Sonny Perez Collantes, nakipag-ugnayan ang Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa Land Transportation Office (LTO) Regional Office sa pangunguna ni Regional Director Atty. Noreen San Luis Lutey upang imbitahan ang ating mga transport officials sa gaganaping Seminar/Workshop.
Ito ay dalawang araw na pagsasanay na layuning mabigyan ng kaukulang kaalaman at kakayahan ang ating mga kawani patungkol sa tamang pagpapatupad ng batas-trapiko sa lungsod katuwang ang LTO.
Ang nasabing aktibidad ay magaganap sa Huwebes at Biyernes, ika 06-07 ng Oktubre at inaaasahang dadaluhan ng mga kawani na bahagi ng Traffic Management Office, Tricycle Regulatory Office, PNP-Tanauan at iba pa.
Ito ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan katuwang ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes bilang paghahanda ng ating mga kawani sa opisyal na pagbubukas ng LTO-Tanauan.
Previous Muling nakuha ng koponan ng Tanauan City Baseball Team ang kampeonato sa Minor Division

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved