Local AICS, ipinamahagi sa 200 na mga Tanaueño

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes
Umabot sa higit 200 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino, Kon. Eric Manglo, Kon. Kristel Guelos, Kon. Ben Corona at Kon. Czylene Marqueses. Ang programang ito ay pamamaraan ng Lokal na Pamahalaan upang mabigyan ng Medical assistance at burial assistance ang ating mga kababayang nangangailangan.
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
Previous ang pag-iisang dibdib ng anim na pares sa lungsod ng tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved