Livelihood Training Program, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDL)!
Pinangunahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang isinagawang Livelihood project ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Tanauan City Jail.
Layon nito na maibigay sa mga kababayan nating bilanggo ang mga programang lilinang sa kanilang kakayahan. Bahagi rin ito ng ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga PDL sa iba’t ibang training skills program na kanilang magagamit sa oras ng kanilang paglaya.
Binigyan naman ng pagkilala ni Mayor Sonny ang kahalagahan ng buhay ng bawat isa, ani niya “Ang pantay na serbisyo ay dapat natatamasa ng lahat, nararapat din na bigyan ng halaga ang mga taong kasalukuyang nasa proseso ng pagbabago o rehabilitasyon anuman ang nakaraan nito”.
Kasabay nito ang pasasalamat ng pamunuan ng Tanauan City Jail dahil sa inihandog na mga regalo at kagamitan ng ating Punong Lungsod para sa ating mga PDL.