Livelihood Caravan, Tanauan

Livelihood Caravan bilang bahagi ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary, umarangkada ngayong araw!

Umabot sa 100 na mga Micro Establishment Owners ang nakiisa sa isinagawang Livelihood Caravan kaninang umaga sa Gov Modesto Castillo Memorial Cultural Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary.

Sa paglulunsad nito naging katuwang ni Mayor Sonny Perez Collantes ang City Cooperative and Livelihood Development Office, Peso TanauanCity at Department of Labor and Employment na nagsilbi bilang tagapagsalita upang ipaliwanag ang mga wastong pamantayan at regulasyon para sa paghawak ng empleyado at pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Sa mensahe naman ng ating Punong Lungsod,

“You treat all challenges on your Business as possible Opportunities. Sana ugaliin ho ninyo ang pagdarasal, matuto kayong magtipid at magtiwala sa inyong mga kasama. Sana ho lahat ng Micro Establishment Owner sa Lungsod ng Tanauan ay magtagumpay!”

Nagpaabot din ng suporta si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para sa ating mga MSMEs at ipinaalam ang iba pang hatid na serbisyo ng kaniyang Tanggapan para matulungang mapalago ang kanilang mga negosyo.

Previous Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Talaga at Bañadero!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved