Ligtas at protektadong mga Senior Citizens laban sa sakit

Sa patuloy na kalinga ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Senior Citizens, isinagawa ngayong araw ang Libreng Flu Vaccine sa ating Gymnasium 1 kung saan tinatayang umabot sa 1,465 ang nabakunahan.
Bukod sa mga ibinibigay na benepisyo, pagsisiguro rin ito ni Mayor Sonny Perez Collantes, na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan kontra sa mga uri ng sakit. Simbolo rin ang naturang programa upang matiyak na walang maiiwang sektor sa tuloy tuloy na kaunlaran ng Lungsod ng Tanauan.
Naging katuwang sa matagumpay na programa ang City Health Office sa pamumuno ni Dra. Ana Dalawampu kasama ang Pangulo ng mga kababaihan Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes, Kon. Czylene Marqueses at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kabahagi ng Pamahalaang Lungsod sa pagbuo ng mas maraming programang pangkalusugan para sa ating mga kababayan.
Previous 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚ñ𝐚𝐝𝐞𝐫𝐨, 𝐀𝐦𝐛𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠, 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐮𝐠𝐚𝐭

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version