Libreng Surgical Mission

Libreng Surgical Mission, magkatuwang na ihahatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at St. Lukes Medical Center – Global City para sa mga Tanaueño!
Kasado na ang isasagawang Libreng Surgical Mission ng St. Lukes Medical Center – Global City sa Lungsod ng Tanauan matapos ang kanilang pakikipagpulong kay Mayor Sonny ngayong araw.
Ayon kay Dr. Henry Esguerra, General Surgeon ng nasabing ospital, kanilang ihahatid ang medical screening katuwang ang City Health Office, sa pangunguna ni Dr. Anna Dalawampu na gaganapin sa darating na ika-10 hanggang ika-11 ng Marso sa Laurel Memorial District Hospital.
Taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa nasabing institusyon sa kanilang pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang ating mga kababayang kinakailangang maoperahan. Aniya, malaking bagay ang inisyatibong ito sa paghahatid ng agarang serbisyong medikal para sa mga Tanaueño.
Para sa ibang detalye ng nasabing programa, maaaring makipag-ugnayan sa Tanauan City Health Office sa Old City Hall Building, Brgy. Poblacion 2, Tanauan City.
Previous National Dental Health Month!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved