Tagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng City Cooperatives and Development Office (Ccldo Tanauan) ang orientasyon ng Koop Kabuhayan Center alinsunod sa hangaring palakasin ang sektor ng mga kooperatibang Tanaueño.
Paunang 10 mga kooperatiba na kinakitaan ng very satisfactory performance sa pamamahala ng kanilang organisasyon simula noong mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan ang mga napili para sa nasabing programa:
– CALABARZON Community Credit Cooperative
– Mt. View Water Service Cooperative
– Tanauan City Transport Cooperative
– DepEd Teachers & Employees Credit Cooperative
– DepED Tanauan City Credit Cooperative
– Zone 4 & 5 Water service Cooperative
– Nagkakaisang Kalipi ng Tanauan Marketing Cooperative
– Talaga Barangay Water Service Cooperative
– Tanauan City Entrepreneurs Marketing Cooperative
– Tanauan City Consumer’s Cooperative
Sa tulong ng programang matutulungan ang mga kasapi ng bawat kooperatibang nabanggit at maging ang mga kabarangay nito na magkaroon ng hanapbuhay at pagkakataong kumita mula sa tamang pagpaplano, aktuwal na paggawa ng produkto, pagbuo ng mga aktibidad at pamamahala ng negosyo.