Tanauan

“KAPON NATION”: Free Kapon at Ligate, handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga Fur Babies!

Sa ikalawang araw ng Week Long Celebration ng 23rd Tanauan City Anniversary, isang espesyal na programa ang inihahatid para sa ating mga Fur Babies tulad ng Libreng Anti- Rabbies Vaccine, Free Check up, Dog Registration, Deworming, Kapon at Ligate.

Naisakatuparan ang naturang programa sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Veterinarian at Provincial Veterinarian Office kasama ang mga Volunteers mula sa Cavite State University, University of the Philippines Los Baños at De LaSalle Araneta University.

Sa kabuuan, inaaasahang nasa 40 na aso at mga pusa ang sasailalim sa pagpapakapon at Ligate ngayong araw. Pasasalamat naman ang inihayag ni Mayor Sonny para sa mga tumulong para sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing programa.

Habang hinihikayat niya ang lahat ng mga Fur Parents na patuloy na alagaan, ingatan at bigyan ng kaukulang pangangailangang pangkalusugan ang kanilang mga alagang hayop.

#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas
#23rdtanauancityhood
#23rdtanauancityhoodanniversary

Previous Talento ng kabataang Tanaueño, ibinida sa 23rd Tanauan Cityhood Kick-off Party!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved